Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang 8.1-kilometer far to markert road na sakop ng ilang barangay ng Virgoneza, San Antonio, Dabubu, Sto. Niño at Quimalabasa Sur sa San Agustin, Isabela.
Ito ay pinangunahan ng Department of Agriculture at Provincial Government ng Isabela kasama ang ilang kinatawan ng District 4 na si Rep. Sheena Tan at District 6 Rep. Faustin ‘Inno’ Dy V at mga local officials’ ng LGU San Agustin.
Binati naman ni Vice Governor Bojie Dy III ang benepisyaryo ng nasabing proyekto dahil sa pamamagitan aniya nito ay maiangat ang buhay ng mga magsasaka sa bayan at buong probinsya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Regional Technical Director ng Department of Agriculture Rose Mary Aquino sa kooperasyon ng mga barangay na dinaanan ng ipatupad ang nasabing proyekto at pagpapanatili ng kalinisan sa kagagawang daan.
Matatandaang inilunsad ang proyekto noong July 2018 at natapos lamang nitong February 2020.
Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng 68 million pesos ay unang inilunsad noong July 2018 at tuluyan nang natapos noong February 2020.
Samantala, nagsagawa ng groundbreaking ceremony sa inaasahang itatayong Dairy Microbiological Facility sa Brgy. Masaya Centro.
Binigyang diin naman nio Governor Rodito Albano III ang kahalagahan ng gatas sa kalusugan ng tao ngayong may pandemya at para ito ay labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.
Napapanahon aniya ang paglalagay ng nasabing pasilidad para sa pagpoproseso ng gatas ng mga dairy cooperatives sa probinsya maging sa kalapit pang mga bayan.