P68K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA DALAWANG BINATILYO SA DAGUPAN CITY

Arestado ang dalawang 18-anyos na binatilyo matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000 sa isang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay I, Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na “Negro” at “Paul,” kapwa residente ng Bonuan Binloc.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na tinatayang 10 gramo, isang cellphone, marked money, at boodle money na ginamit sa transaksyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments