Sumampa na sa P692 million ang nasira sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Maring.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), nagkakahalaga ito ng 36,537 metric tons (MT) na umepekto sa 32,392 magsasaka at mangingisda sa bansa.
Mayorya ng mga nasira ay mga palay sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 30,183 MT at nagkahahalaga ng P498.1 million.
Sa ngayon, inihanda na ang emergency loan assistance mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para sa mga apektado ng bagyo na nagkakahalaga ng P500 million kung saan sa ilalim nito ay maaaring humiram ng P20,000 na babayaran sa loob ng 10 taon.
Facebook Comments