Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang public officials ang pagsira sa 7.5 billion pesos na halaga ng nasamsam na ilegal na droga sa Integrated Waste Management Inc. sa Ternate, Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang proseso na isinagawa alinsunod sa patakaran ng pagdidispatiya sa mga nasabat na ilegal na droga, kemikal at laboratory equipment.
Aniya, direktiba ni Pangulong Duterte na sirain agad ang lahat ng shabu evidence para maiwasan ang pagre-recycle sa mga ito.
Sa pamamagitan ng thermal decomposition, nasa 1,333.09 kilograms at 5,936.70 milliliters ng iba’t ibang drug evidence ang sinira.
Karamihan sa mga sinirang kontrabando ay shabu.
Ang korte ay mayroong 72 oras para magsagawa ng ocular inspection sa mga nasamsam na ilegal na droga.
Sa loob ng 24 oras pagkatapos ng inspeksyon, maaari nang sirain ang mga ilegal na droga.