P7 per kilo na halaga ng palay, hindi totoo – Villar

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar na bagsak na sa P7 ang presyo ng kada kilo ng palay sa bansa.

Sa harap ito ng himutok ng mga lokal na magsasaka na unti-unti nang pinapatay ng rice tariffication law ang kanilang hanapbuhay.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Villar na exaggerated ang ulat.


Base aniya sa Philippine Statistic Authority (PSA)  pumapatak sa P17 per kilo ang average price ng palay.

Kasabay nito, nilinaw ng senadora na ang pagpasa sa rice tariffication ay resulta ng pagkabigo ng Pilipinas na makamit ang obligasyong gawing competitive ang mga Pilipinong magsasaka sa ilalim ng kasunduan ng bansa sa World Trade Organization (WTO) noong 1995.

Pero aniya – maganda na rin ito para mapwersa ang bansa na maging competitive.

Facebook Comments