Aabot sa P70 milyong halaga ng iligal na carrots, broccoli at iba pang gulay ang nakumpiska sa Port of Subic.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakatanggap ng ulat ang Subic port na darating ang nasa 22 reefer containers lulan ang nasabing misdeclared ng gulay na galing sa China.
Nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng JKJ International Company at EMV Consumer Goods Trading kung saa nakadeklarang Mantou’ (Chinese steamed bun) ang mga produkto upang makalusot sa bansa.
Pinangunahan naman ang operasyon ng DA katuwang ang; Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Administration (NICA), at Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments