P70K INSURANCE PARA SA BAWAT MIYEMBRO NG IBA’T-IBANG SEKTOR SA SUAL, NAKATAKDANG IPAMAHAGI

SUAL, PANGASINAN – Nakatakdang ipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Sual ang tig-pitumpung libong pisong insurance para sa bawat miyembro ng iba’t ibang sektor sa bayan.

Sa nasabing insurance ay nakapaloob ang accidental, death, at iba pang coverage nito.
Ito ay para sa mga kabahagi ng Women’s Association na itinuturing ng LGU bilang isa sa mga pinakamahahalagang sektor sa pagpapaunlad ng bayan.

Kabilang din sa mga mabibigyan ay ang mga magsasaka at mangingisda, persons with disabilities, senior citizens, public utility vehicle drivers at tricycle operators.


Samantala, nagsimula na rin ang konsultasyon ng pamahalaang lokal sa mga sektor na nabanggit na naglalayong dinggin ang kanilang mga hinaing, paigtingin ang kanilang mga programa at bigyang solusyon naman ang kanilang mga suliranin.

Facebook Comments