Tiniyak ng Malacañang na sapat para mabakunahan ang 60 milyong Pilipino ang 72.5 billion pesos para sa COVID-19 vaccines sa ilalim ng 2021 national budget.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa nasabing pondo, 2.5 billion pesos ay kukunin mula sa regular funds ng Department of Health (DOH) habang ang natitira ay mula sa mga unprogrammed appropriations.
Ang iba pang maaaring mapagkunan ng pondo ay mula sa multilateral institutions gaya ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank, domestic government financial institutions at bilateral negotiations sa mga bansang nag-develop ng bakuna.
Halos 25 milyong Pilipino na kinabibilangan ng frontline health workers, mga mahihirap at unipormadong tauhan ng pamahalaan ang unang mababakunahan laban sa COVID-19.
Ang mass immunization program ay target gawin ng gobyerno sa first half ng 2021.