Nakalikom ang Departament of Agriculture (DA) ng abot sa P73.5 billion sa unang isandaang araw sa tungkulin ni Agriculture Secretary William Dar na gagamitin na ayuda sa mga magsasaka.
Sa isang panayam, sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes na nalikom ang pondo sa ibat ibang sources.
Bahagi aniya ng nalikom na pondo ay ginamit sa mabilis na pagtugon sa dalawang pangunahing isyu na kinaharap ni Dar partikular ang epekto ng Rice Tariffication Law at ng African Swine Fever.
Mula sa naturang pondo, P10 bilyong piso ang inilaaan sa pagpapatupad ngayong taon ng Rice Competitiveness Enhancement Program sa layuning gawing mas mapagkumpitensya ang mga magsasaka ng bigas at upang mapatatag ang mga presyo ng palay.
Inaprubahan din ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng P3 billion bilang unconditional cash transfer upang makinabang ang 600,000 maliit na magsasaka ng bigas.
P2.5 billion ay inilalaan ng ahensiya para sa Expanded Survival and Recovery Assistance
Sa SURE Aid program,pautangin ng P15,000 na zero-interest ang mga magsasaka na lumilinang ng me isang ektarya o mas kaunti ng farmlot na may nakatanim sa bigas.
May P7B pa na kasalukuyang ginagamit ng National Food Authority upang makakuha ng palay direkta mula sa mga magsasaka.
Nakakuha na ang NFA ng 71 porsyento ng target na katumbas ng 10.25 milyong bag ng palay mula Enero hanggang pangalawang linggo ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Nakapagpamahagi na ang DA ng P375 million para sa indemnification ng mga apektadong backyard raisers na ang mga baboy ay culled dahil sa ASF.
Nagbigay ng P10M ang pribadong sektor katulad ng National Federation of Hog Farmers, Inc., Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), at Pork Producers ‘Federation of the Phils., Inc. (ProPork).