Umabot na sa P73 bilyon ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa DSWD, higit 11.26 milyon na pamilyang benepisyaryo ang nakatanggap ng ikalawang ayuda.
Katumbas ito ng 80% ng 14.1 million targeted beneficiaries.
Tiniyak naman ng kagawaran na patuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
Nabatid na target tapusin ng DSWD ang digital at manual payouts ng SAP 2 sa August 15.
Facebook Comments