P74.4 billion supplemental budget sa PhilHealth ngayong taon, inihain ng isang senador

Pinabibigyan ni Senator JV Ejercito ng supplemental budget ang PhilHealth para sa taong 2025.

Sa inihaing panukala ni Ejercito, isinusulong niya na mabigyan ng P74.4 billion na supplemental budget ang PhilHealth para mapalakas ang mga programa at patuloy na maitaguyod ang mandato ng Universal Health Care (UHC) Act.

Iginiit ni Ejercito na urgent at kinakailangan ang supplemental budget at hindi dapat hayaang magipit ang PhilHealth sa mga pagkakataong mas kailangan sila ng mga tao.

Hahatiin ang supplemental budget sa mga sumusunod:

P53.1 billion para sa premium ng mga indigent families, senior citizens at unemployed PWD
P21.2 billion para sa benefit package improvement ng dialysis coverage, mental health outpatient coverage, Z-benefit packages, severe acute malnutrition, all case rate, rationalization of selected medical and surgical procedures at implementasyon ng komprehensibong outpatient benefit package.
P127.6 million para sa health insurance premiums ng mga benepisyaryo sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA Program).

Kung matatandaan, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act ay hindi binigyan ng pondo ang PhilHealth matapos na mapag-alamang malaki ang savings nito gayong maraming mahihirap na pasyente ang nangangailangan.

Facebook Comments