P741.4-B na pondo, inilaan ng gobyerno para sa development ng multiple railway projects

Aabot sa P741.4 billion na pondo ang inilaan ng gobyerno para sa development ng multiple railway projects sa Luzon at Mindanao.

Ayon kay Transport Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ang naturang proyekto ay para sa 11 railway projects na may layuning i-decongest ang Metro Manila at para sa mabilis na pag-unlad ng bansa.

Kabilang sa 11 railway projects ay ang:


O LRT-1 Cavite extension
O LRT-2 East extension
O LRT-2 West extension
O MRT-3 rehabilitation
O MRT-4
O MRT-7
O Metro Manila Subway
O Common station
O North-South Commuter Railway
O Subic-Clark Railway
O PNR Bicol / South Long Haul at Mindanao Railway

Ang CapEx spending program ay inaasahang magsusulong sa major rail projects ng bansa, na may pinagsamang project cost na P1.669 trillion.

Facebook Comments