Naharang sa ikinasang buy-bust operation ang hinihinalang shabu sa Rosales, Pangasinan.
Nakuha ito sa 58 anyos na babaeng residente ng Tayug, at tukoy din na high-value individual sa usaping illegal na droga.
Umabot sa 110 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam, na nagkakahalaga ng nasa P748, 000. Haharap sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments