Sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at PDEA, arestado sa ikinasang isang buy-bust operation ang dalawang itinuturing na high value targets sa Urdaneta City, Pangasinan.
Sa operasyon, naaresto ang isang 37-anyos na lalaki at isang 28-anyos na babae, residente ng Urdaneta City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 748,000.00.
Sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments