P750 National Minimum Wage, inihirit ng ilang Kongresista

Ipapanawagan ng mga myembro ng Bayan Muna sa buong bansa ang P750 National Mininum Wage para sa lahat ng mga manggagawa.

Iginiit ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao na maraming bahagi ng bansa ang malaki ang gastos ng mga manggagawa sa pang-araw araw tulad sa Metro Manila pero maliit naman ang kinikita.

Aniya, matagal nang ipinapanawagan ng mga manggagawa, mahihirap, agricultural workers at iba pang sektor ang P750 National Minimum Wage.


Inihalimbawa ng Kongresista ang mga sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad sa Ilocos na mayorya ay kontraktwal at Semi-Workers na kumikita lamang ng P340 kada araw o mas mababa pa.

Dagdag pa nito, maraming biktima sa Central Luzon ang biktima ng ‘No Union, No Strike’ policy at ENDO sa mega-Manila at Calabarzon.

Umaasa ang mambabatas na maipapasa ng Kongreso ang panukala para sa umento sasahod ng mga manggagawa.

Facebook Comments