P757 million, ibinigay na tulong ng Canada sa Pilipinas

Aabot sa P757 milyong ang ibinigay na tulong ng Canada sa Pilipinas para magamit sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa na naapektuhan ng COVID-19.

Ayon kay Peter MacArthur, Canada Ambassador to the Philippines, ang donasyon ay para sa 7 proyekto sa bansa sa susunod na limang taon.

Gagamitin ito sa pagpapabuti ng lagay ng kalusugan ng mga kababaihan at matulungan ang komunidad sa Mindanao.


Hakbang din ang gawain sa pagpapaganda ng edukasyon ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM) pati na rin sa Taguig at Pateros sa Manila.

Umaasa naman si MacArthur na mapapanatiling matatag ang agrikultura sa BARMM at sa rehiyon ng Davao, maging ang pagsulong sa gender equality at karapatan sa buong bansa.

Facebook Comments