P765 MILLION! | Jackpot prize sa 6/58 ultra lotto, record breaking!

Manila, Philippines – Record breaking na ang jackpot prize sa 6/58 ultra-lotto.

Inaasahan kasi na papalo sa P765 milyon ang jackpot prize ngayong araw at ito na ang magiging pinakamalaking premyo sa kasaysayan.

Sinabi ni Arnes Casas, assistant manager for gaming ng PCSO, maari pang tumaas ang premyo sa muling draw sa ultra lotto mamayang gabi.


Ang huling record lotto jackpot prize ay umabot sa P741 milyon sa 6/55 lotto noong 2010.

Dagdag pa ni Casas na kung hindi pa rin tatamaan ang jackpot prize mamayang gabi, maaring umabot na sa P800 milyon ang premyo.
Base sa pag-aaral, ang tsansa para makuha ang six winning number combinations ay isa sa bawat 40.4 milyon.

Facebook Comments