P77-M Command and Control Center ng gobyerno, itatayo sa Butuan City – DPWH

Inihayag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways na katuwang ang Office of Civil Defense, itatayo ang  dalawang-palapag na gusali na magsisilbing Government Command and Control Center (GCCC) facility para sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Barangay Bancasi, Butuan City.

Sa report kay DPWH Secretary Mark Villar, sinabi ni DPWH Assistant Secretary for Regional Operations in Mindanao Maximo L. Carvajal na ang naturang gusali na dinisenyong  State-of-the-Art ay magpapalakas sa Disaster Risk Reduction Efforts ng pamahalaan sa Mindanao.

Nagkakahalaga ng P77-M ang pasilidad na may lawak na 2,063.74-Square Meter ground floor, 926.39-Square Meter Second Floor at 712.46-Square Meter Roof Deck.


Ang gusali na tatapusin sa loob ng 540-days ay malapit sa  Bancasi Airport at sa disaster-resilient warehouse at PAGASA-DOST Satellite Office upang makatiyak na madaling maisasagawa ang koordinasyon sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments