P770 M | Mga Pangasinense dagsa sa Lotto outlets

46

Dagupan City – Hindi parin napapanalunan ang nasa humigit kumulang ng P800 million jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto. Record breaking na maituturing sa history ng lotto jackpot prize dahil ito na ang pinakamataas na jackpot prize.
Kaya naman dagsa ang mga pangasinenseng mananaya sa mga lotto outlets sa nung lalawigan. Ilan sa mga nakausap natin nagsabing di naman talaga sila tumataya ngunit ng mabalitaang malaki na ang jackpot prize ay naingganyo narin silang magbakasakali tulad ng iba nilang kakilala. Ang iba naman ay patuloy ang pagtaya kahit di parin nanalo sa pagbabasakaling ito ba ang sagot sa mahirapan umano sa buhay nila kaya sakripisyo ng kaunting pera para pagtaya.
Dagdag ng tagapamahala ng lotto outlet sa isang kilalang mall sa Dagupan umaabot daw sa punting nauubusan na sila ng lotto cards ng 6/58 kaya pinapasulat na lang nila sa malinis na papel ang mga numerong nais tayaan ng mga mananaya.
Matatandaang noong 2010 umabot ng humigit 741 million ang napanalunan ng isang OFW.

Facebook Comments