Namili ulit ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagong kagamitan na aabot sa halagang 788 milyong piso.
Iprinesenta sa media kanina ang 95 units ng 4×4 pick up, 10,000 units ng striker fired 9mm pistol, 78 units ng squad automatic weapon 5.56mm light machine gun, 568,226 rounds ng CTG 9mm ball, 3,684 units ng enhanced combat helmet at 2,255 units ng tactical vest.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang pagbili ng mga bagong PNP equipment ay bahagi ng Capability Enhancement Program kung saan tuloy-tuloy itong gagawing pamimili ng mga PNP equipment.
Simula aniya 2016 nang maupo ang Duterte administration, nadagdagan ng 22 billion pesos ang mga biniling PNP equipment.
Samantala, nag-donate naman ng isang brand new armored escort van at isang unit ng brand new armored truck ang Bureau of Customs (BOC) sa PNP.
Sa ngayon ay isinasailalim sa minimal repair at maintenance ang dalawang armored vehicles dahil lalagyan pa ito ng PNP logo.