Aabot sa ₱8.9 billion ang kailangan ng Department of Education (DepEd) para maisaayos ang mga paaralang nasira ng mga nagdaang bagyo.
Sa datos ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, nasa ₱5.2 billion pesos ang kailangan para sa mga eskwelahang napinsala ng Bagyong Rolly habang ₱3.7 para sa Bagyong Ulysses.
Tinatayang aabot sa 1,190 paaralan ang nasira ng Bagyong Ulysses habang 1,739 schools ang napinsala ng Bagyong Rolly.
Karamihan sa mga napinsalang paaralan ay naitala sa Cordillera Region, Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region.
Pero nilinaw ng DepEd na sasailalim pa ang mga datos na validation at verification.
Facebook Comments