P800 million supplemental budget para labanan ang nCov, ihahain sa Kamara

Iginiit ni Committee on Appropriations Senior Vice Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na kailangan ng supplemental budget para malabanan ang novel corona virus o NCOV at iba pang infectious disease.

 

Sinabi ni Salceda na maghahain siya ng panukala para sa supplemental budget o karagdagang pondo upang malabanan ang nakakahawang sakit.

 

Inirekomenda ni Salceda na P800 Million ang kailangan ng bansa para maiwasan ang pinangangambahang NCOV.


 

Ang pagpapalabas aniya ng karagdagang pondo ay upang maitama ang pagkakamali na ginawa ng Kongreso ngayong taon kung saan ibinaba ang budget ng Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health.

 

Paliwanag ng mambabatas, makikinabag sa nasabing halaga ang nasa 110 million na Pilipino.

 

Bukod sa dagdag na pondo, inatasan ni Salceda ang Department of Budget and Management o DBM na maghanap ng pagkukunan ng pondo para sa supplemental budget na maaaring hugutin sa mga slow moving projects ng gobyerno.

Facebook Comments