P80,000 hanggang P90,000 na minimum na sahod para sa mga licensed medical doctors na papasok sa gobyerno, isinusulong sa Kamara

Isinusulong sa Kamara ang panukala na pag-aalok ng malaking sahod sa mga lisensyadong doktor para magtrabaho ang mga ito sa gobyerno.

Sa House Bill 3923 ni Quezon City Representative Anthony Crisologo, bibigyan ng minimum na sahod na hindi bababa sa salary grade 24 o P80,000 hanggang P90,000 kada buwan ang mga licensed medical physicians na papasok sa gobyerno.

Sakop ng panukala ang mga doktor na regular na empleyado sa Local Government Units (LGUs) at national government na nagseserbisyo ng hindi bababa sa 40 oras kada linggo.


Ang mga doktor naman na matatalaga sa mga malalayong lugar o conflict areas ay mabibigyan ng subsistence allowance at hazard pay.

Katwiran ng kongresista, malaki ang pangangailangan ng bansa sa mga doktor ngayong may pandemya at kung mahihikayat ang maraming physicians na lumipat sa gobyerno ay mababawasan ang mataas na agwat sa doctor to patient ratio.

Facebook Comments