P81K halaga ng shabu, nakumpiska sa tatlong suspek sa QC

Tiklo ang tatlong suspek sa isang buy bust operation matapos mahulihan ng 12 gramo ng hinihinalang shabu sa Barangay Veterans Village, Quezon City.

Aabot sa P81,600 ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa mga suspek na sina Abdulhan Arsali, 30 taong gulang, Nahiya Saliwato, 19 taong gulang at Charles Lester Co, 33 taong gulang.

Nakumpiska sa mga ito ang P500 marked money, pouch at cellphone.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Facebook Comments