P840,000 CASH ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG TUMAUINI

CAUAYAN CITY – Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) kahapon, ika-27 ng Agosto sa bayan ng Tumauini.

Ang SLP ay programa ng ahensya upang mapagaan at mapaunlad ang pamumuhay ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pag-aabot ng tulong na makapagsimula ng negosyo o mapagkakakitaan.

Katuwang ng ahensya ang LGU Tumauini sa pangunguna ni Mayor Venus T. Bautista.


Apat (4) na asosasyon ng kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ng nasabing bayan ang nakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga sa kabuuang P840,000.00.

Facebook Comments