Karagdagang P86 million ang pondong ilalaan sa sektor ng edukasyon matapos itong maaprubahan sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan.
Saklaw nito ang dagdag pondo sa umiiral na Scholarship Program kung saan target pang dagdagan ng isang libo ang iskolars ng syudad.
Kasama sa nasabing budget ang procurement ng mga lamesa at upuan para sa mga pampublikong paaralan, gayundin ang pagbili ng ilalagay na mga airconditioning units sa ilang piling eskwelahan.
Sa pamamagitan din ng pondo, magkakaroon ng konstruksyon ng 3 storey school building sa West Central Elementary School I at konstruksyon ng Day Care at Teen Center sa Brgy. Mamalingling.
Nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod na palalakasin pa ang suporta sa sektor ng edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









