P518.8 billion ang 2025 budget na hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa Department of Budget and Management (DBM) pero mahigit P200 billion lang ang inilaan.
Kaya naman si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, humihiling na madagdagan pa ng P88 billion ang DA budget para sa susunod na taon.
Layunin nito na maisakatuparan ng gobyerno ang target na hangad na food security.
Sabi ni Villafuerte, makakamit ito kung may sapat na pondo para iprayoridad ang pagtatayo ng irigasyon at postharvest facilities, food terminals o processing centers, at Kadiwa outlets sa buong bansa.
Binanggit din ni Villafuerte ang paglalagay ng mga fishports at FTI facilities at one facility sa kada rehiyon, pagpapasigla sa produksyon ng niyog at iba pang high-value crops gayundin ang livestock development.
Ibinabala ni Villafuerte na ang hindi sapat na budget para sa agriculture ay magdudulot ng problema sa suplay at presyuhan ng bigas, iba pang prduktong agricultura at makakadagdag din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.