Naglabas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 89 million pesos para tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma – 3.1 million pesos ang inilabas para sa mga gobernador ng North Cotabato at Davao del Sur na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol nitong December 15.
Sinabi ni Garma – ang mga bayan ng Padada, Hagonoy at Matanao sa Davao del Sur ay makakatanggap ng tig-limang milyong piso.
Umapela ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga laro dahil ang bahagi ng kita ay napupunta sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Facebook Comments