Nakatakdang mamahagi ng tinatayang P9.3 milyon tulong pinansyal ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda sa Ilocos Region, ngayong araw, bilang tulong sa kanilang kabuhayan.
Kabuuang 480,080 benepisyaryo ang nakalistang tatanggap ng tig-P2,325 mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.
Gaganapin ang distribusyon sa Research and Experiment Center sa Batac City, Ilocos Norte; San Juan, Ilocos Sur; Sta. Barbara, Pangasinan at Regional Office ng Department of Agriculture sa San Fernando City, La Union.
Kabilang sa mga tatanggap ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay, mais, tubo, at mga mangingisda na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Tiniyak naman ng tanggapan ang maagap na paghahanda sa aktibidad upang maging matiwasay ang pamamahagi sa mga benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










