Handa nang ipamahagi sa regional offices ng Department of Health (DOH) ang ₱9 billion special risk allowance (SRA) para sa healthcare workers.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, agad na ibibigay ang pondo sa mga regional offices at mga ospital para sa SRA at hazard pay ng lahat ng health frontliners.
Sinabi ni Vergeire, nakikipag-coordinate na sila sa Department of Budget and Management (DBM) para sa monetization ng accommodation, transportation, at food allowance ng healthcare workers.
“Tayo po ngayon ay nakikipag- usap sa DBM para po tayo makahanap pa ng pondo para maibigay ang monetization na accorded sa ating healthcare workers,” anang DOH official.
Pagtitiyak ng DOH na patuloy nilang iniisip ang kapakanan ng lahat ng healthcare workers.