P9-M halaga ng misdeclared agri products, nakumpiska ng BOC

Umaabot sa siyam na milyong pisong halaga ng agricultural products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.

Ito ay dahil sa maling pagdedeklara ng nasabing kargamento na nakaimbak sa 3 x 40 na container van.

Nabatid na unang idineklara na mga dilaw na sibuyas ang nasabing kargamento na nakapangalan sa Gingarnion Agri-Trading.


Pero nang suriin ito ng Customs, natuklasan na pawang mga pulang sibuyas pala ang laman ng container van kung saan hindi nakakuha ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) ang consignee nito mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry.

Inaalam na kung sino ang nag-proseso ng karagamento habang pagpapaliwanagin ag kumpanyang pagbabagsakan sana ng mga sibuyas.

Facebook Comments