Cauayan City, Isabela- Umabot na sa P9 million ang naging pinsala sa industriya ng pag-aalaga ng baboy sa Lalawigan ng Isabela dahil sa sakit na African Swine Fever.
Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, pumalo na sa 1,040 ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa culling batay sa pinakahuling datos nitong August 19 mula sa 6 na bayan sa Isabela na kinabibilangan ng Aurora, Ramon, Quezon, Luna, Echague at Mallig.
Ayon pa kay Naui, 179 na hograisers ang apektado ng nasabing sakit ng mga baboy kung kaya’t nagdulot din ito ng pagkalugi sa kanilang negosyo.
Sa ngayon ay may mga sample ang nakasailalim sa pagsusuri gay ana lamang sa Bayan ng Luna na isa sa mga matinding naapektuhan sa ngayon ng nasabing sakit ng baboy.
Giit ng opisyal, malaki sana ang potensyal na maiwasan ang pagkalat ng ASF kung naging maayos lang ang bio-security mesure na ginawa ng mga nag-aalaga ng baboy.
Samantala, may bago nang protocol ngayon ang DA dahil ang dating 1-7-10 na kanilang kinokordon mula sa nakapagtala ng kaso ng ASF ay ginawa na ng kanilang National Crisis Management Team na point 5 kilometer 7-10.