P90-B na pondo, ipinalalaan para sa wage subsidy at temporary employment programs

Isinusulong ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa gobyerno ang paglalaan ng pondo para sa programa kaugnay sa subsidiya sa sahod at trabaho.

Ito ay para pasiglahin pa ang kabuuang pag-angat ng demand at samantalahin ang “momentum” ng mga sektor ngayong unti-unting nagbubukas ang ekonomiya ng bansa.

Iminungkahi ni Salceda na maglaan ang pamahalaan ng P90 billion para sa wage subsidies at temporary employment programs.


Hahatiin sa tatlo ang P90 billion employment program; P30 billion para sa re-employment ng mga pansamantalang natigil sa trabaho; P30 billion para sa worker retention subsidy sa Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME); at P30 billion para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers (TUPAD).

Ang subsidiya para sa pag-rehire ay makatutulong sa mga negosyo para pabalikin sa trabaho ang kanilang mga furloughed, irregular, o retrenched workers.

Malaking tulong naman sa mga maliliit na negosyo ang wage subsidies para sa kanilang mga empleyado.

Ang pondo naman sa TUPAD program ay ipapamahagi sa mga sumusunod: P5 billion para sa mga rice farmers, P10 billion sa mga non-rice farmers, P5 billion para sa fisherfolk at forestry, P5 billion para sa sektor ng turismo at P5 billion para sa Barangay development programs.

Naniniwala si Salceda na ito ang “strategic time” para maglunsad ng malaking stimulus at employment program upang matapatan ang pag-angat ng demand sa pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments