P90 million halaga ng shabu, nakumpiska ng PCG sa isang Matnog Port sa Sorsogon

Aabot sa halos 18 kilos ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang pantalan sa Sorsogon.

Ayon sa PCG, nagkakahalaga ng P90 million ang shabu na nasabat sa Matnog Port sa Sorsogon.

Nakuha ang mga kontrabando sa isang sasakyan habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang Coast Guard K9 Unit.


Kaugnay nito, dalawang inidibidwal ang inaresto at nasa kustodiya ngayon ng Seaport Interdiction Unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Facebook Comments