P900,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo, nasabat ng pulisya; 3 chinese nationals, arestado

Nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) – 3 sa isang checkpoint ang aabot sa P900,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa Nueva Ecija kahapon, Setyembre 24, 2025.

Sa impormasyon mula sa PRO3 nasabat ang mga pekeng sigarilyo sa dalawang van sa Brgy. Mataas na Kahoy, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija kung saan matapos inspeksyunin ng mga awtoridad ang mga sasakyan, tumambad sa kanila ang 100 kahon ng mga sigarilyo na walang kaukulang papeles at dokumento.

Agad na dinakip ang mga suspek na pawang mga Chinese national.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines laban sa mga naarestong Tsino.

Facebook Comments