
Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P92.5 bilyong pondo sa ilalim ng unprogrammed appropriations (UA) sa 2026 National Budget na katumbas ng 38% sa P243.4 billion na unprogrammed funds.
Dahil dito, umabot na lamang sa P150.9 bilyon ang UA mula sa mahigit P531 bilyon noong 2025.
Ayon sa pangulo, ibinaba na sa “absolute bare minimum” ang unprogrammed funds, na pinakamababang halaga ng mula noong 2019.
Iginiit din ng pangulo na hindi “blank check” ang unprogrammed appropriations at hindi ito dapat gamitin bilang palihim na discretionary fund.
Tiniyak din ng Pangulo na may sapat na mga pananggalang ang 2026 budget upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo at mapanatili ang transparency sa paggastos ng pera ng bayan.
Facebook Comments










