P95-M na halaga ng Pananim na Marijuana, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela-Umaabot sa mahigit P95 million na halaga ng marijuana plants ang sinira at sinunog ng mga awtoridad sa kanilang dalawang araw na operasyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office at PDEA Cordillera na nagsagawa ng operasyon sa pitong (7) plantasyon ng marijuana.

Aabot sa 225,000 fully grown marijuana plants ang sinira ng mga operatiba na tinatayang nagkakahalaga ng P25 million at nasa kabuuang 420 kilograms naman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P70.4 million ang narekober sa lugar.


Bigo namang mahuli ng mga awtoridad ang posibleng nasa likod ng malawak na taniman ng marijuana.

Facebook Comments