P99 domestic seat sale, regalo ng Cebu Pacific sa publiko

839

Magandang balita para sa mga kababayan nating mahilig maglakbay.

Hatinggabi nitong Lunes, binuksan ng Cebu Pacific sa publiko ang kanilang P99 seat sale para sa mga one-way domestic flights na manggagaling sa Clark International Airport.


Hanggang Agosto 21, Miyerkules, tatagal ang nasabing promo, batay sa anunsyo ng Cebu Pacific sa kanilang Facebook page.

Puwedeng gamitin ang bibilhing flight ticket mula Oktubre 1 ng kasalukuyang taon, hanggang January 31, 2020.

Kabilang sa mga destinasyon na maaring libutin ay Bacolod, Bohol, Boracay (Caticlan), Cebu, Davao, at Puerto Princesa.

Mahigit 2,000 flights mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang pinapatakbo ng naturang airline company kada linggo.

Para sa karadagang detalye, bisitahin lamang ang official website at social media accounts ng Cebu Pacific.

Facebook Comments

From Advertisers