PA-BIRTHDAY | Mga lolo at lola sa Taguig, makatatanggap ng mas malaking cash gift

Taguig City – Magandang balita sa mga lolo at lola na taga-Taguig dahil inaprubahan na ng Taguig City ang isang ordinansa na layon taasan ang halaga ng birthday cash gifts na ibinibigay ng pamahalaang lokal sa mga senior citizen sa siyudad.

Simula sa Enero ng susunod na taon, ang mga lolo at lola sa lungsod ay makakakuha na ng halagang P3,000, P4,000 at P5,000, depende sa kanilang age bracket. (60 hanggang 69 bracket, 70 hanggang 79 bracket, o 80 pataas na bracket).

Ang mga eligible sa birthday cash gift ay mga senior citizens na pawang mga residente ng Taguig na mahigit limang taong residente at rehistradong botante sa lungsod.


Matatandaan, taon 2008 unang nagbigay ng P500 monetary gifts sa bawat senior citizen ang pamahalaang lokal ng Taguig.

Bukod dito, ang mga lolo at lola ay pwedeng mag-avail ng libreng eye checkups at prescription glasses sa ilalim Oplan Linaw program.

Facebook Comments