PA-IN? | Oil and gas exploration ng Pilipinas at China sa WPS, pinangangambahan ng PAMALAKAYA

Manila, Philippines – Nangangamba ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya sa oil and gas exploration na gagawin ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa grupo, ang joint venture na sinelyuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Chinese President Xi Jinping ay katumbas ng pagsuko ng West Philippine Sea.

Anila, pa-in lang ng China sa Pilipinas ang joint venture dahil ang totoo ang China na ang magkokontrol sa buong karagatan kasama na ang walong porsyentong exclusive economic zone at extended continental shelf ng Pilipinas.


Giit pa ng Pamalakaya, gagamitin lang ng China ang Pilipinas para maisulong ang kanilang geopolitical economic agenda.

Facebook Comments