Friday, January 23, 2026

PA, kinondena ang pag-ambush ng grupong Dawlah Islamiyah-Maute group sa mga tropa sa Lanao Del Norte

Kinondena ng Philippine Army (PA) ang walang habas na pag-ambush ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) terrorists laban sa mga tauhan nito sa Munai, Lanao del Norte,kaninang umaga.

Ayon sa ulat, lulan ng pribadong sasakyan ang mga nasabing sundalo nang mangyari ang nasabing pag-ambush kung saan 4 ang nasawi at isa ang sugatan.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema Ala, sa inisyal na assessment ng 1st Division gusto umanong ipakita ng mga nasabing teroristang grupo na malakas pa rin sila at i-recover ang nasabing lugar matapos ang pagsasagawa ng community support ng program ng Task Unit Tabang.

Kaugnay nito nagdadalamhati ang buong katropahan dahil sa pagkasawi ng 4 nitong tauhan dahil sa kanilang pagsasakripisyo para panatilihin ang kaayusan sa lugar.

Ayon naman sa Commanding General ng Army na si Lt. General Antonio Nafarette, pinaiigting na nila ang operasyon at ang pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies ,lokal na pamahalaan at sa komunidad para tugisin ang mga natitirang DI-MG terrorists sa nasabing lugar.

Facebook Comments