PAAALISIN | Mga miyembro ng KADAMAY na iligal na pumasok sa Pandi, Bulacan, ie-evict na ng NHA

Pandi, Bulacan – Pinaplantsa na ngayon ng National Housing Authority (NHA) ang planong eviction sa lahat ng hindi kwalipikadong miyembro ng KADAMAY na pwersahang umukopa sa PNP-AFP housing project sa Pandi, Bulacan.

Ang aksyon na ito ng nha ay kasunod ng nabunyag na modus ng ilang mga miyembro ng KADAMAY na umano’y nagbebenta at nagpapaupa ng unit na sapilitang kinuha noon pang nakalipas na taon.

Batay sa report na inilabas ng NHA, mistulang isang sindikato ang ginawa ng ilang miyembro ng nabanggit na grupo lalo pa’t ang bahay na ibinigay ay hindi naman dapat na laan sa kanila kundi sa mga kawal ng pamahalaan na nagsisilbi sa bayan at nagbabayad ng buwis sa gobyerno.


Pero sa panayam ng DZXL, iginiit ni KADAMAY spokesperson Michael Beltran na hindi sila papayag at lalaban sila sa bantang ito ng NHA.

Sabi ni Beltran, malinaw na gumagawa na lang ng dahilan at butas ang ahensya para sila mapalayas sa housing project sa Pandi.

Facebook Comments