Malaya pa ring makababalik ng bansa ang mga paaalising dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) kung hindi sila iba-blacklist ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Dr. Winston Casio, ang mga ipade-deport at ide-deklarang blacklisted lamang ay ang mga mahuhuling foreign workers sa mga iligal na POGO.
Habang ang mga nagta-trabaho naman sa ligal na POGO ay ire-repatriate lamang.
Matatandaang binigyan ng animnapung araw ng pamahalaan ang nasa dalawampung libong foreign POGO workers na kusa nang umalis ng bansa matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Macos Jr. ang total ban nito.
Sabi ng PAOCC, sa kasalukuyan ay 1,698 na illegal pogo workers na ang naipa-deport mula noong May 2023.