Ipinahinto muna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang “Paabot” o paghahatid ng mga pasalubong ng mga kaanak sa mga Persons Deprived of Liberties (PDL) sa mga jail facilities.
Dahil dito, sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, hindi na kailangang bumiyahe ng mga kaanak ng mga PDL sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal.
Sa ngayon kasi ay temporarily suspended pa ang pisikal na dalaw sa mga pasilidad at tanging e-Dalaw at telepono lamang ang kanilang pamamaraan sa komunikasyon.
Pero, papayagan naman ang mga “paabot” para sa mga maintenance medicines at special diets ng mga PDL.
Pero, sasailalim pa rin ito sa usual health and security protocols ng mga pasilidad.
Tiniyak ni Solda na prayoridad ng BJMP na maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga PDL at personnel ngayong panahon ng pandemya.