Manila, Philippines – Bumaba na ang bilang ng mga national road sa Luzon na sarado parin sa mga motorista dahil sa epekto ng nagdaang bagyong Karding at Habagat.
Base sa datos ng DPWH, (9) sa mga kalsadang ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), (6) sa Region III.
Kabilang sa mga isinaang kalsada:
Abra- Kalinga Road at Kenon Road
Isinara ang mga kalsada dahil sa mga naranasang landslides, pagko- collapse ng mga ito at mga pagbaha.
Samantala (10) kalsada naman mula sa Region I, Region II at III ang hindi nadadaanan ng malalaking sasakyan dahil parin sa mga pagbaha.
Sa kasalukuyan ay nagpadala na ng tauhan ang DPWH sa lugar, nailagay na ang mga heavy equipments para sa pagsasagawa ng clearing operations, habang naginstall na rin ng warning signals upang umalalay sa mga motorista.