Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na mag-ingat sa binibiling Christmas lights at paggamit ng mga electrical devices na pagmumulan ng sunog.
Ayon kay Bureau of Fire Protection National Capital Region Director Fire Chief Superintendent Roel Diaz, ugaliing ipa-check ang electrical wiring ng bahay at maging alerto sa mga nakasaksak na gamit bago umalis ng bahay.
Sabi ni Diaz, dapat ring bawasan ang octopus connection dahil ito ang kadalasang sanhi ng mga sunog.
Ang octopus wiring ay ang sanga-sangang koneksiyon ng maraming appliances sa iisang extension, na nagdudulot ng overheating.
Batay sa datos ng BFP noong 2017, 2,657 sa 4,646 insidente ng sunog noong ay konektado sa kuryente.
Nasa 4,004 naman ang naitatalang sunog nitong 2018, kung saan 47 ang nasawi.