PAALALA | BSP, muling nagbabala sa publiko hinggil sa ‘sangla ATM’ schemes

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na huwag gamitin ang kanilang ATM cards bilang collateral para sa mabilis at madaling loan mula sa mga informal lender o tinatawag ding ‘loan sharks’

Sa public advisory, nagbabala ang BSP sa publiko hinggil sa ‘sangla ATM’ schemes kung saan ang mga uutang ay gagamitin ang kanilang ATM cards para makapag-secure ng loan.

Payo pa ng BSP na huwang ipagkatiwala ang cards lalo na ang personal identification o pin sa mga nagpapautang.


Base sa 2014 consumer finance survey ng BSP, lumabas na 39.9% ng mga Pilipino ang ginagamit ang kanilang ATM cards bilang loan collateral.

Lumabas naman sa huling datos ng BSP na nasa walo mula sa 10 banking related complaints noong 2017 ang kanilang naresolba habang pinagtitibay nila ang proteksyon ng kanilang mga consumer.

Nangunguna sa listahan ng banking related complaints ay ang problema sa credit cards, e-banking at lending.

Facebook Comments