Manila, Philippines – Pinayuhan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botante na mag-ingat ngayong mainit ang panahon isasagawa ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, May 14.
Payo ni COMELEC Spokesman James Jimenez, magbaon ng tubig para manatiling hydrated habang naghihintay na makaboto sa polling centers.
Bukod sa tubig, pinadadalhan din ng poll body ang mga botante ng pamaypay o mini-fan basta hindi nakalagay ang pangalan o mukha ng isang kandidato.
May ilang sitwasyon aniya na mabibilad ang botante sa araw habang nakapila.
Magtatayo ang Department of Health (DOH) ng mga first aid stations sa voting centers.
Facebook Comments