Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro at principal na umiiral ang ‘no collection policy’ kasabay ng nagpapatuloy na enrollment sa basic education levels sa buong bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, patuloy ang pagbibigay nila ng paalala sa kanilang mga tauhan sa public elementary at secondary schools na iwasan ang pagpataw at pangongolekta ng ‘compulsory’ contributions sa mga estudyante tuwing enrollment period.
Iginiit ng kalihim ang layunin ng DepEd na magbigay ng libreng basic education sa lahat ng Filipino learners sa public elementary at high schools.
Sa datos ng DepEd, aabot sa 28 milyong estudyante sa public at private schools ang inaasahang papasok sa pagbubukas ng school year 2018-2019.