Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa human trafficking syndicates sa Dubai.
Ito ay makaraang masagip ng embahada sa Baghdad ang 2 Pinay na nabiktima ng human trafficking sa southern province ng Basra sa Dubai.
Ang mga ito ay pinangakuan ng mga sindikato na magkakaroon ng magandang trabaho sa Dubai kalakip ang malaking sweldo pero sila muna pansamantala ang magbabayad ng kanilang pamasahe pa-Dubai.
Pagkarating sa Dubai ng 2 Pinay hawak nila ang kanilang tourist visas at pinagtrabaho sila ng walang sweldo bilang household worker bilang parte umano ng kanilang training.
At noong napaso na ang kanilang visa dito na sila sinabihang tanggapin na lang ang trabaho sa Iraq kahit na walang sweldo at bayaran ang mga nag-recruit sa kanila ng $3,000.
Paalala ng DFA sa ating mga kababayan na mag-ingat sa mga human traffickers at nanatiling umiiral ang deployment ban sa Iraq kung kaya at bawal magpadala ng mga manggagawa sa nasabing bansa.
Pinayuhan din ang mga ito na i-check sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung legit ang job offer sa kanila.